
Mas pinalapit pa ng Globe ang mga serbisyo nito sa mga residente ng Rizal matapos nitong buksan ang bagong Onsite Distribution Operations Hub sa Barangay Mahabang Parang, Angono.
Layon ng bagong hub na gawing mas madali para sa mga residente ang pagkuha ng Globe At Home broadband services, prepaid products, at customer support nang hindi na kinakailangang bumiyahe nang malayo.
Ayon sa Globe, makatutulong ang pasilidad sa mga estudyante, remote workers, maliliit na negosyante, at mga pamilyang umaasa sa matatag na internet connection para sa pag-aaral, trabaho, komunikasyon, at iba pang digital na pangangailangan.
Bukod sa Globe At Home applications, magsisilbi rin ang hub bilang sentro para sa prepaid transactions, product inquiries, at iba pang customer engagement activities para sa mga residente ng Angono at mga kalapit na bayan sa Rizal.










