
Kinumpirma ng Southern Police District (SPD) na naglabas ang Office of the City Prosecutor ng Muntinlupa ng resolusyon noong Nobyembre 18 kaugnay ng naganap na rally noong Nobyembre 15.
Ayon sa resolusyon, inirekomenda ang pagbabasura sa mga reklamong malicious mischief at alarms and scandals, habang ang iba pang alegasyon ay isasailalim pa sa karagdagang preliminary investigation.
Inatasan din ang pagpapalaya sa lahat ng respondents maliban kung may iba pang legal na batayan para sa kanilang patuloy na pagkakakulong.
Sinabi ng SPD na iginagalang nito ang naging desisyon ng piskalya at makikipagtulungan sa mga susunod na proseso ng imbestigasyon.
Iginiit ng SPD na nananatili itong nakatuon sa patas, disiplinado, at propesyonal na paglilingkod, kasabay ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at pagprotekta sa mamamayan.
Samantala, pagkalabas ng Camp Bagong Diwa ay ibinulalas ng ilang ikinulong ang kanilang galit matapos makulong.










