P3.3M FINANCIAL ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA OFW BENEFICIARIES SA ISABELA

Cauayan City – Naipamahagi ng Overseas Workers Welfare Administration Region 2 ang financial assistance na nagkakahalaga ng P3.3 milyong piso para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) beneficiaries sa lalawigan ng Isabela.

Isinagawa ang seremonya sa Lungsod ng Santiago, kung saan dumalo si City Mayor Atty. Sheena Tan at PESO Manager Atty. Nikka Jane Isla.

Naipamahagi ang kabuuang 115 tseke na may kabuuang halaga na P3,335,000 kung saan 6 na benepisyaryo ang nakatanggap ng social benefits, 104 benepisyaryo sa Balik Pinas, Balik Hanapbuhay (BPBH) & Special Livelihood Program (SLP), at 5 benepisyaryo naman sa Welfare Assistance Program (WAP).


Patuloy ang OWWA Region 2 sa pagtutok sa pagbibigay ng tulong at suporta para sa mga OFWs at kanilang pamilya, bilang bahagi ng kanilang misyon na tugunan ang mga pangangailangan ng mga kababayang Pilipino sa ibang bansa at sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Facebook Comments