Monday, April 27, 2026

Senador, nanawagan sa mga kapwa mambabatas na madaliin ang pagapruba sa pagrebisa sa Oil Deregulation Law

Umaapela si Senator Erwin Tulfo sa mga kasamahang senador na madaliin ang isinusulong na pagrebisa sa Oil Deregulation Law.

Tinukoy ni Sen. Erwin ang inihain nila ni Senator Sherwin Gatchalian na Senate Bill 641 o ang pag-institutionalize sa Transparency ng Oil Deregulation Law at pagrepaso sa Republic Act 8479 o ang Downstream Oil Deregulation Act of 1998.

Giit ni Tulfo, lugi at kawawa ang taumbayan sa umiiral na deregulation law lalo’t walang pakundangan ang pagtaas sa presyo ng langis.

Sinabi ng senador na dahil sa batas na ito, hindi pwedeng kontrolin o diktahan ng gobyerno ang presyo ng langis at ang tanging magagawa na lang ng pamahalaan ay makiusap sa mga kumpanya ng langis.

Dahil pakiramdam ng lahat ay overpriced ang presyo ng petrolyo, binigyang-diin ni Sen. Erwin na napapanahon na aniya na magkaroon ng batas na maglalahad kung magkano ang gastos, tubo at kinikita ng mga oil companies sa bawat litro ng gasolina o diesel na ibinebenta sa publiko.

Facebook Comments