
Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na walang nagaganap na power interruption sa mga off-grid areas sa bansa sa gitna ng kakulangan sa supply ng langis.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, batay sa kanilang direktiba sa Philippine National Oil Company (PNOC), prayoridad ang mga off-grid area sa distribusyon ng diesel supply.
Binigyang-diin din ni Garin na walang dapat ikabahala ang publiko hinggil sa posibleng rotational brownout sa mga naturang lugar.
Kumpiyansa rin aniya ang DOE sa kasalukuyang diesel buffer stock ng bansa.
Una nang tiniyak ng Energy Department na aabot sa 54 na araw ang suplay ng diesel ng bansa.
Facebook Comments










