
Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Parañaque City Police Office ang babaeng humaharap sa kasong paglabag da Bouncing Checks Law sa Barangay San Antonio noong Huwebes ng hapon.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas Trizia, 27 at ranked No. 5 Most Wanted Person Station Level para sa buwan ng Mayo na naaresto sa Valley 1, Barangay San Antonio, Parañaque City.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Dane Caceus Marionne Marayag Carag, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court, Branch 110, Muntinlupa City.
Ito ay dahil sa kanyang paglabag ng siyam na beses sa Batas Pambansa Bilang 22.
Nakaditine na ang suspek sa Parañaque City Police Station Custodial Facility habang hinihintay na maibalik ang mga warrant sa court of origin.










