
Inihayag ni House Trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na pinag-aaralan ng House prosecution panel ang pagsasagawa ng regular press briefings sa oras na magsimula na ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Adiong, layunin nito na matulungan ang publiko na maunawaan ang proseso ng impeachment at maiwasan ang pagkakaroon ng kalituhan lalo na sa mga legal na usapin hinggil dito.
Sabi ni Adiong, pag-uusapan pa nila ang eksaktong format ng regular press briefing na tiyak aniyang makatutulong lalo’t tiyak na maraming susubaybay sa impeachment trial.
Dagdag pa ni Adiong, daan din ang press briefing para masiguradong tamang impormasyon ang mailalahad ng media sa publiko.
Ipinaliwanag din ni Adiong na ang pagpili sa kanya at kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co ay bilang House trial spokesperson ay isang mekanismo para masugpo ang mga posibleng magiging source of disinformation and misinformation na ipinapakalat sa social media.










