Saturday, July 11, 2026

Suspended Sergeant-at-Arms Aplasca, nanindigang inatake ang Senado sa nangyaring shooting incident noong May 13

Naninindigan si suspended Sergeant-At-Arms Mao Aplasca na inatake ang Senado noong May 13.

Tumango si Aplasca nang tanungin kung naniniwala pa rin itong under attack ang Senado taliwas sa sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na walang pag-atake sa mataas na kapulungan batay sa mga nakalap na ebidensya.

Giit ni Aplasca, bersyon iyon ng DILG at splices o hinati-hating video ang ipinakita sa publiko para masuportahan ang kanilang naratibo.

Sinabi ni Aplasca na maglalabas sila ng kompletong video ng nangyaring insidente at humingi ito ng sapat na panahon.

Samantala, inaasahan na ni Aplasca ang rekomendasyon ng CIDG na sampahan siya ng kaso.

Hindi pa nakakaharap si Aplasca sa CIDG kaugnay sa imbestigasyon ng nangyaring barilan sa Senado sa pagitan ng OSAA at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Facebook Comments