
Nasawi ang isang 37 taong gulang na ina matapos tamaan ng malaking bato ang kanilang bahay na gumulong mula sa bundok sa Sitio Macopoy, Brgy. Mascap, Rodriguez, Rizal, bandang 5:30 ng umaga nitong Linggo.
Ayon sa saksi na si alyas “Hazel” ,nagising sila matapos sumigaw ang kanilang ina na tila may gumuguho kung saan agad silang pinapalabas ng kanilang bahay.
Ilang sandali lang ay gumulong ang nasabing bato at direktang tumama ito sa biktimang si alyas “ Risel” at dalawa pa nitong anak na si sina alyas “Miro”, 2 years old at alyas “Jacob”, 12years old.
Pagkatapos ang insidente ay agad na dinala sa ospital ang 3 mga biktima.
Dineklara namang dead on arrival ang ina na si alyas “Risel” habang ang dalawang batang biktimang sugatan ay patuloy na ginagamot sa ospital.










