Friday, May 15, 2026

Senators Robin Padilla at Jinggoy Estrada, iimbestigahan dahil sa nagyaring putukan sa Senado at sa pag-alis ni Sen. Dela Rosa

Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na iimbestigahan nila sina Senador Robin Padilla at Jinggoy Estrada kaugnay ng nangyaring putukan sa Senado at sa naging pag-alis ni Senador Ronald Bato Dela Rosa sa Senate compound .

Batay sa kuha ng CCTV footage, si Padilla ang huling nakasama ni Dela Rosa bago siya nawala bandang 2:30 AM ng May 14.

Iimbestigahan naman si Jinggoy Estrada dahil sa kaniyang sinabi sa kaniyang live video kung saan maririnig siyang inuutusan si Acting Senate Sgt. at Arms Mao Aplasca na itago ang mga CCTV footage.

Ani, Remulla, mahalagang makuha ang bersyon nina Estrada at Padilla sa harap na rin ng pagdududa na gawa -gawa o staged ang nangyaring putukan sa Senado.

Ipinapa-subpoena na ni Remulla ang mga CCTV footage na kuha nang mangyari ang putukan.

Aniya, hindi malayong masisi si Estrada kung mawala ang mga CCTV footage.

Sakali aniyang mapatunayang staged ang komosyon ay maaring maharap sa obstruction of justice ang mga senador.

Sinabi pa ni Ombudsman Remulla na maging ang National Bureau of Investigation (NBI) at Office of Sergeant-at-arms (OSAA) ay saklaw sa kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments