Tuesday, May 19, 2026

Sen. Bato dela Rosa, hindi pugante ayon sa abogado nito

Iginiit ng kampo ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi pugante ang naturang senador.

Sa naging panayam kay Atty. Jimmy Bondoc, legal counsel ni Dela Rosa, binigyang-diin niya na wala namang lawful charge at lawful arrest mula sa korte laban kay Sen. Bato.

Maliban dito ay hindi rin naman kinikilala ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Ipinunto pa ni Bondoc na hindi makatwiran ang banta ng Department of Justice (DOJ) na aarestuhin si Dela Rosa kapag nagtangkang lumabas ng bansa dahil bukod sa wala namang valid na warrant of arrest, wala rin namang hold departure order (HDO) laban sa mambabatas.

Makikita naman aniya na hindi nagbalak si Dela Rosa na lumabas ng bansa sa loob ng anim na buwang pagtatago nito bago ang biglang paglutang ng senador sa mataas na kapulungan noong nakaraang Lunes.

Facebook Comments