Wednesday, June 17, 2026

DFA, ikinalugod ang “peace deal” sa pagitan ng US at Iran

Ikinakugod ng Department of Foreign Affairs ang “peace deal” sa pagitan ng US at Iran.

Kasabay nito, pinapurihan ng DFA ang naging papel ng Pakistan, Qatar, Egypt, Saudi Arabia, Turkiye, at iba pang partners na nagsulong para sa dayalogo at sa mapayapang solusyon sa Middle East conflict.

Ito ay lalo na’t nagdulot ang giyera sa Gitnang Silangan ng pagkawala ng maraming buhay, pagkasira ng civilian infrastructure at ang malaking dagok sa ekonomiya ng buong mundo.

Umaasa naman ang DFA na magiging permanente na ang paghupa ng giyera sa Middle East at ang pagkamit ng kapayapaan.

Facebook Comments