UGNAYAN PARA SA KAPAYAPAAN AT SEGURIDAD, PINALALAKAS NG MMTF FORCE MULTIPLIERS AT MANGALDAN POLICE

Pinalalakas ng Mata ng Masa Task Force o MMTF Force Multipliers at Mangaldan Municipal Police Station ang kanilang pagtutulungan upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bayan ng Mangaldan.

Nagsagawa ng courtesy call at diyalogo ang mga miyembro ng MMTF Force Multipliers kay PLTCOL Buenaventura D.G. Benavides III, Officer-in-Charge ng Mangaldan Municipal Police Station

Sa isinagawang pag-uusap, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag, agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang gawain at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pagpigil sa krimen.

Kinilala naman ng hepe ng pulisya ang mahalagang papel ng force multipliers bilang katuwang ng Philippine National Police sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Layunin ng aktibidad na higit pang patatagin ang koordinasyon ng pulisya at komunidad tungo sa isang ligtas at mapayapang Mangaldan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments