
Pinuna ni House Trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na mahaba pero ampaw o walang laman ang isinumiteng pre-trial brief sa Senate Impeachment Court ng defense team ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Adiong, inaasahan nila na maglalaman ito ng mga ebidensya at mga detalyadong sagot ni VP Duterte sa mga alegasyong nakapaloob sa Articles of Impeachment.
Pero nakakadismaya para kay Adiong dahil marami sa mga testigo at dokumentong inilista ng depensa ay mula rin sa mga ebidensya at potensyal na mga testigo ng House Prosecution Panel.
Diin ni Adiong, hindi paramihan ng pahina, testigo o dokumento ang sukatan ng depensa kundi kung nasasagot nito ang mga alegasyon.
Facebook Comments










