Wednesday, June 17, 2026

Gusot sa liderato ng Senado, dapat munang ayusin para maipasa sa special session ang nabinbin na mahalagang panukalang batas

Kumpiyansa si House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, sapat ang buong araw na special session ngayon para maipasa ang mga mahalagang panukalang batas na nakabinbin sa Senado.

Pero giit ni Ortega, kailangang maresolba muna ng Senado ang isyu sa liderato nito para hindi maantala ang legislative work, mga nakabinbing appointment, at ang nalalapit na impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Tinukoy ni Ortega na sa ngayon ay nahahati ang mga senador sa ilalim ng liderato nina dating Senate President Alan Peter Cayetano at Acting Senate President Sherwin Gatchalian.

Panawagan ni Ortega sa mga Senador, mag-usap at magkaayos para matiyak ang pagpapatuloy ng maayos na trabaho sa Senado.

Facebook Comments