Sunday, July 26, 2026

High school teacher na si Barry Tayam, iaapela ang petisyon sa Korte Suprema kaugnay sa isyu ng Senate leadership

Nakatakdang umapela sa Korte Suprema ang high school teacher na si Barry Tayam kaugnay sa petisyon nito na humihiling na ideklarang valid ang quorum sa Senado noo ng June 3 na nauwi sa pagpapalit ng liderato.

Ayon kay Tayam, magsusumite siya ng motion for reconsideration matapos ibasura ng Supreme Court ang kaniyang petisyon.

Pero sa ngayon, pag-aralan daw muna niya ang buong kopya ng desisyon na inilabas ng Kataas-taasang Hukuman.

Ibinasura ng SC ang petisyon ni Tayam sa kawalan ng legal standing dahil nabigo umano itong patunayan na direktang naapektuhan o nanganganib na maapektuhan ng mga aksyon ng mga respondent na sina Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Loren Legarda.

Inakusahan ni Tayam ang tatlong senador ng grave abuse of discretion matapos umanong hindi kilalanin ang balasahan sa Senado.

Facebook Comments