
Pinabulaanan ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director Atty. Brian Hosaka na may magre-resign na commissioner ng ICI.
Ayon kay Hosaka, nananatiling buo ang ICI at tuloy ang imbestigasyon nito hindi lamang sa mga maanomalyang flood control projects, kundi ang lahat ng mga proyekto ng pamahalaan.
Una nang ibinunyag ni House Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice na may nakausap siyang miyembro ng ICI at nais na nitong kumalas sa komisyon dahil nawawalan na raw sila ng pag-asa dahil sa kakulangan ng kanilang poder.
Facebook Comments









