Usec. Claire Castro, itinurong dahilan ng pagbibitiw ni Mayor Benjie Magalong bilang ICI Special Adviser

Aminado si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na marami pa sanang nakalinya na mga kasong isasampa ang Independent Commission for Infrastracture (ICI) kaugnay sa mga dawit sa anomalya sa flood control projects.

Pero ayon kay Magalong, nahinto ito kasunod ng kaniyang pagbibitiw bilang special adviser ng ICI.

Ngayong Martes ng umaga, nagkasama-sama sina Magalong, kaniyang kapalit na si dating PNP Chief Rodolfo Azurin at Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon para sa turnover meeting.

Sinabi ni Magalong na itu-turnover na niya ang mga dokumento kay Azurin kasama ng ibang mga technical reports at mga kaso na ihahain kaugnay sa ghost projects.

Panawagan naman ni Magalong, hayaan sanang mag-imbestiga si Azurin at huwag itong pigilan at pakialaman gaya ng nangyari sa kaniya.

Possible kasi aniyang may nasagasaan siya sa ginagawang imbestigasyon.

Itinuro naman ni Magalong si Palace Press Officer Usec. Claire Castro na dahilan ng kaniyang pagbibitiw.

Facebook Comments