Monday, May 11, 2026

Pangulo ng Paraguay, nasa Pilipinas na para sa isang state visit

Dumating sa bansa si Paraguay President Santiago Peña Palacios para sa dalawang araw na state visit.

Bandang alas-3:50 ng hapon kahapon nang lumapag ang kaniyang delegasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City.

Sinalubong siya ni Non-Resident Ambassador of the Republic of Paraguay to the Philippines Miguel Ángel Ubaldino Romero Álvarez.

Ngayong Lunes, mag-aalay ng bulaklak si President Peña Palacios sa monumento ni José Rizal sa Luneta bilang pagpupugay sa pambansang bayani ng Pilipinas.

Pagkatapos nito, makikipagpulong siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang.

Kabilang sa tatalakayin ng dalawang lider ang kalakalan, agrikultura, pamumuhunan, at pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.

Inaasahang aalis din agad ng bansa si Peña Palacios matapos ang kaniyang official visit.

Naupo bilang pangulo ng Paraguay si Peña Palacios noong Agosto 2023.

Facebook Comments