Wednesday, May 6, 2026

PBBM, nagpatawag ng situation briefing kaugnay sa sitwasyon ng Bulkang Mayon

Magsasagawa ng situation briefing si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Malacañang kaugnay ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Tatalakayin sa pulong ang pinakahuling sitwasyon sa Albay at ang mga hakbang ng pamahalaan para sa mga residenteng naapektuhan ng ashfall at patuloy na volcanic activity.

Inaasahang hihingan ng pangulo ng ulat ang mga concerned government agencies hinggil sa kanilang ginagawang responde, relief operations, at ayuda para sa mga apektadong pamilya at evacuees.

Posible ring maglabas si Pangulong Marcos ng karagdagang direktiba upang mapabilis ang paghahatid ng tulong at matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga apektadong lugar.

Nauna nang tiniyak ng pangulo na tuloy-tuloy ang suporta ng pamahalaan hanggang tuluyang makabangon at makabalik sa normal na pamumuhay ang mga pamilyang apektado ng sitwasyon sa Albay.

Facebook Comments