Ika-25 taong Charter Day celebration ng Malaybalay City, Bukidnon, idaraos ngayong araw

Idaraos ngayong araw ang ika-25 taong Charter Day Celebration ng Malaybalay City, Bukidnon.

Kasabay nito, iba’t ibang mga activity ang nakahilera sa naturang pagdiriwang.

Highlight nito ang magaganap na Fireworks Competition mamayang alas 7 ng gabi sa may City Hall, Malaybalay.


Inanyayahan naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na makilahok sa pagdiriwang sa Charter Day.

Una nang idineklara ng Malacañang sa pamamagitan ng Proclamation no. 164 na isang Special Non-Working Holiday ang March 22,2023 sa Malaybalay City bilang paggunita sa Charter Day celebration ng lungsod.

Magugunitang noong August 21,2000, nalagdaan ang RA 8813 o ang batas na nagdedeklara ng ika-22 ng Marso bawat taon bilang pagunita sa anibersaryo ng lungsod.

Facebook Comments