Lalaki, patay matapos tuklawin ng cobra sa Davao Occidental

Patay ang isang lalaki matapos tuklawin ng cobra sa bayan ng Sta. Maria, Davao Occidental.

Sa panayam ng RMN Davao kay Sta. Maria Municipal Councilor Lino Solo, kinilala ang biktima na si Renante Maligon, 42 anyos, taga Brgy. San Pedro sa nasabing munisipalidad.

Ayon pa, tinaga na umano ng mga residente ang ahas at nahati ng tatlong beses ang katawan nito. Pero hinawakan umano ng biktima ang ulo ng cobra at inilagay pa ang kamay sa loob ng bibig ng ahas at tinuklaw ang biktima.


Nakaramdam umano ng pagkahilo at panghihina ng katawan ang lalaki at binawian ng buhay.

Dahil dito, pinaalahanan naman ng Department of Health o DOH ang publiko sa ‘snake bite’ at pag iingat mula sa mga ahas.

Dapat umanong lagyan ng splint ang sugat at agad dalhin ang biktima sa ospital.

Panatilihing malinis din ang paligid at mapagmasid dahil lumalabas umano ang mga ahas lalo na pag mainit ang panahon.

Facebook Comments