
Pinabulaanan ng Office of the Executive Secretary o OES ang kumakalat na dokumento na nagsasabing nagdeklara ang Malacañang ng alternative work arrangement sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahon.
Ayon sa OES, walang rekomendasyon mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC para ipatupad ang naturang work arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno.
Lumabas na kinopya lamang ang lehitimong Memorandum Circular No. 126 na inilabas noong Biyernes.
Pinalitan ang petsa nito para palabasing ipinatutupad muli ngayong araw ang alternative work arrangement dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan.
Iginiit ng OES na pekeng dokumento at fake news ang kumakalat na Memorandum Circular No. 127.
Facebook Comments










