Tuesday, August 18, 2026

5.1 million indibidwal, apektado ng Habagat at Bagyong Luis at Maymay – DSWD Disaster Response Management

Sumipa na sa 5.1 milyon mula sa 5 milyon ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng Hanging Habagat, na mas pinalakas ng mga Bagyong Luis at Maymay, base sa pinakahuling datos ng DSWD Disaster Response Management.

Mula ito sa mahigit apat na libong apektadong barangay sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Regions 1 hanggang 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 4, 5, at 9.

Sa kabilang banda, bukas naman ang mahigit 300 evacuation centers sa nasabing mga rehiyon, kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mahigit 600 pamilya o katumbas ng mahigit 21,000 indibidwal, habang mahigit 11,000 pamilya o katumbas ng mahigit 42,000 indibidwal naman ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kakilala o kaibigan.

Sa ngayon, halos ₱700 milyon ang humanitarian assistance na naipamahagi ng DSWD, habang may mahigit ₱4.83 bilyon pa namang available resources ang ahensya.

Facebook Comments