MGA ALAGANG ASO AT PUSA, NABAKUNAHAN KONTRA RABIES SA LIBRENG VETERINARY MISSION SA BAYAMBANG MUYANO

Umabot sa 419 serbisyong beterinaryo ang naipagkaloob sa nasa higit 200 aso at pusa sa isinagawang libreng Veterinary Medical Mission sa Bayambang noong Agosto 15, 2026.

‎Pinakamalaki sa mga serbisyong isinagawa ang anti-rabies vaccination, kung saan 222 aso at pusa ang nabakunahan upang maprotektahan ang mga ito laban sa rabies.

‎Bukod dito, 160 alagang hayop ang isinailalim sa libreng deworming, habang 37 pusa naman ang nakinabang sa libreng kapon bilang bahagi ng mga hakbang para sa kalusugan at kapakanan ng mga alagang hayop sa komunidad.

‎Isinagawa ang veterinary mission ng isang vet clinic sa pakikipagtulungan ng Bayambang Animal Shelter sa ilalim ng Municipal Agriculture Office.

‎Mga residente ng bayan ang kabilang sa mga nakinabang sa libreng serbisyo para sa kanilang mga aso at pusa.

‎Sa pamamagitan ng aktibidad, naihatid nang libre sa mga residente ang tatlong pangunahing serbisyong beterinaryo tulad ng anti-rabies vaccination, deworming at kapon na umabot sa kabuuang 419 serbisyo para sa mga alagang hayop. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments