
“Hindi kasama ang pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez sa listahan ng mga proponents sa maanolyang flood control projects sa Bulacan.”
‘Yan ang pahayag ni Engineer Carlo Rivera ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineering Office sa bail hearing ng kasong plunder ni Romualdez sa Sandiganbayan 3rd Division noong Martes, October 27.
Paglilinaw ni Rivera, napunta umano sa kaniyang amo, na si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, ang P5-billion na halaga ng commitment fees o kickback na kinolekta nya mula sa mga kontraktor, at inihatid naman umano ito kay dating Congressman Zaldy Co, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, dating Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada.
Si Alcantara rin umano ang nagbibigay kay Rivera ng listahan ng mga proponent, habang hindi umano nabanggit ni Rivera si Romauldez sa kahit saang bahagi ng kaniyang judicial affidavit o sa mga naunang testimonya sa Sandiganbayan.
Matatandaang si Rivera ang umano’y inuutusan ni dating DPWH district engineer Henry Alcantara na magdeliver ng kickbak at magpasok ng project proponents sa database ng ahensya.










