Sobrang pasahero sa mga PUV, hindi pa rin papayagan sa ilalim ng Alert Level 1 ayon sa IACT

Nagpaalala ang Inter-Agency Council for Traffic (IACT) na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang nakatayo at nakasabit na pasahero sa mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng Alert Level 1 status.

Ginawa ang payahag matapos payagan ang full capacity sa mga PUV sa Metro Manila ngayong araw.

Babala na IACT na huhulihin nila ang mga bus at jeepney na sobra ang isasakay na pasahero.


Ngayong araw ay nagsasagawa na ng operasyon ang IACT sa ilang lugar sa National Capital Region.

Facebook Comments