Tuesday, October 27, 2026

Posibleng kapalit ni VP Sara, premature pang pag-usapan; Palasyo, nanawagang igalang ang opisina ng bise presidente

Premature o maaga pa para pag-usapan ang posibleng papalit kay Vice President Sara Duterte sakaling ma-impeach ito.

Ito ang iginiit ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, kasunod ng panawagan ni Senator Alan Peter Cayetano sa mga senador na tanggihan ang anumang alok na maging bise presidente dahil sa posibleng conflict of interest.

Ayon kay Castro, dapat irespeto ang opisina ng bise presidente at hintayin ang resulta ng impeachment proceedings sa Senado.

Binigyang-diin din ni Castro na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sundin ang due process at hayaang gumulong ang proseso ng impeachment.

Wala rin aniyang karapatan si Cayetano na diktahan ang mga kapwa senador kung ano ang dapat nilang gawin o pangunahan ang magiging desisyon ng pangulo.

Facebook Comments