
Malinaw para sa House Prosecution Panel ang mensahe ng mga survey na mas maraming mga Pilipino ang nais na mahatulang guilty si Vice President Sara Duterte sa kinakaharap na impeachment case sa halip na ma-abswelto.
Sinabi ito ni House Prosecution Panel adviser at Spokesman Robert Ace Barbers makaraang lumabas sa Momentum Research survey, na isinagawa noong October 16 to 19, na 38.8% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat i-convict ng Impeachment Court si VP Sara dahil sa alegasyong mayroon itong hindi maipaliwanag na yaman habang 33.8% ang pabor na siya ay ma-abswelto.
Diin ni Barbers, ipinapakita nito na hindi basta-basta nawawala sa isip ng taumbayan ang usapin ng pananagutan, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang yaman ng isang mataas na opisyal ng gobyerno.
Giit ni Barbers, walang opisyal na dapat maging exempted sa pananagutan, bukod sa hindi rin dapat manaig ang propaganda sa katotohanan gayundin ang kapangyarihan sa hustisya.
Grace Mariano, RMN Manila










