
Tuloy-tuloy ang pagdating ng ilang mga indibidwal na nais maglinis, magpintura at ipasa-ayos ang mga puntod ng yumao nilang mahal sa buhay sa Manila North Cemetery.
Ito’y isang araw bago ang deadline bukas, October 27, 2026.
Kaugnay nito, muling paalala ni Dir. Dandan Tan sa publiko na wala ng planong palawigin pa ang itinakdang petsa ng huling araw ng paglilinis kaya’t pinapayuhan niya ang lahat na samantalahin na ang pagkakataon lalo na’t hindi papayagan gawin ito sa mismomg araw ng Undas.
Ang mga vendor naman ay papayagan na makapagtinda sa loob ng sementeryo hanggang Oct. 28 at matapos nito ay ililipat sila sa labas bandang kanan upang makapagbenta at magkaroon ng kita.
Maging ang mga residente sa loob ng sementeryo ay pinayuhan hinggil sa mga patakaran sa paggunita ng Undas tulad mg pagbabawal ng pag-inom ng alak at pag-videoke.
Maging ang mga daanan sa gilid at likod ay una na rin isinara upang isa na lamang o sa harap ang pasukan at labasan ng mga bibisita sa Manila North Cemetery.
Nitong nagdaang Sabado umabot sa 17,000 ang nagpunta sa Manila North Cemetery habang kahapon, Linggo..pumalo ng halso 70,000 na indibdwal ang bumisita at naglinis sa mga puntod.










