Ilang kalsada sa Pasay, isinara para sa prusisyon kaugnay ng Pista ng Sto. Niño

Paalala sa mga motorista…

Ilang kalsada sa lungsod ng Pasay ang pansamantalang isinara ngayong araw.

Ito ay upang bigyang-daan ang isasagawang prusisyon kaugnay ng Pista ng Sto. Niño.


Simula kaninang alas-onse ng umaga, isinara sa mga motorista ang FB Harrison mula Buendia hanggang EDSA gayundin ang Arnaiz Avenue mula sa Taft Avenue.

Mananatili itong sarado hanggang matapos ang prusisyon na magsisimula naman mamayang alas-tres ng hapon.

Mag-uumpisa ang prusisyon sa Pasay City Hall at dadaan sa mga nabanggit na isinarang kalsada hanggang makarating sa huli nitong destinasyon sa Liwasang Ipil-ipil.



Facebook Comments