Ilang kompanya ng langis, magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas

96

Sasalubungin ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga motorista bukas, Setyembre 6.

Nasa P2.60 ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang P1.55 naman sa kada litro ng diesel, at P1.60 sa kada litro ng kerosene.

Ipatutupad ng Caltex at Cleanfuel ang bawas-presyo, epektibo mamayang alas-12:01 ng hatinggabi.


Habang kaparehong oil price adjustment din ang ipatutupad ng Shell, Seaoil, PetroGazz, PTT Philippines, at Jetti Petroleum bukas ng alas-6 ng umaga.

Ang bawas-presyo ay bunsod ng paghina ng demand dahil sa panibagong interest rate hike sa Amerika at Europa, at ipinatutupad na lockdown sa ilang lugar sa China.

Facebook Comments