Ilang Overflow Bridges sa Isabela, Hindi pa Madaanan

Cauayan City, Isabela- Hindi pa pwedeng madaanan ang limang (5) overflow bridges sa Lalawigan ng Isabela dahil pa rin sa mataas na lebel ng tubig sa ilog.

Kabilang sa limang tulay na ‘Not Passable’ pa sa kasalukuyan ang nasirang Turod-Banquero overflow bridge sa bayan ng Reina Mercedes; Cabagan-Sta. Maria overflow bridge; Cansan-Bagutari overflow bridge sa bayan ng Sto. Tomas; Alicaocao overflow bridge sa Lungsod ng Cauayan at ang Baculud overflow bridge sa Lungsod ng Ilagan.

Samantala, maaari nang daanan ang apat (4) na mga overflow bridges sa Lalawigan tulad ng Masaya Sur sa bayan ng San Agustin; Cabisera 8 sa City of Ilagan; at Annafunan at Gucab overflow bridge sa bayan ng Echague.


Facebook Comments