Sugatan ang pitong katao matapos magkarambola ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Cataguintingan, Rosario bandang alas-5:30 ng umaga noong Mayo 26, 2026.
Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng sasakyang minamaneho ng isang 48-anyos na engineer mula Bongabon ang northbound lane habang southbound naman ang sasakyang minamaneho ng 23-anyos na lalaki mula La Trinidad.
Pagsapit sa lugar ng insidente, bigla umanong lumihis sa kabilang linya ang 23-anyos na driver at tuluyang bumangga sa kasalubong na pickup.
Dahil sa lakas ng salpukan, nasugatan ang dalawang driver at kanilang mga sakay kabilang ang dalawang menor de edad.
Agad dinala ang mga iti sa ospital upang malapatan ng lunas.
Samantala, kapwa nasiraan ang dalawang sasakyan habang hindi pa matukoy ang kabuuang halaga ng pinsala.
Ayon sa pulisya, nakapag-areglo naman ang magkabilang panig na sagutin ang mga danyos sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










