Wednesday, June 24, 2026

SUNOD SUNOD NA LINDOL, NAITALA SA BAYBAYIN NG BOLINAO

Labing-apat na offshore earthquakes ang naitala ng DOST-PHIVOLCS noong Mayo 29 sa karagatang malapit sa Manila Trench sa kanlurang bahagi ng Bolinao, Pangasinan.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga pagyanig ay tectonic ang pinagmulan at dulot ng paggalaw sa ilalim ng dagat.

Bago ang serye ng 14 na lindol, apat na pagyanig na rin ang naitala noong Mayo 27, kabilang ang magnitude 3.4 na lindol alas-11:15 ng umaga.

Noong Mayo 28 naman, mahigit limang beses muling naramdaman ang pagyanig sa bayan na may lakas na mula magnitude 2.4 hanggang 3.1.

Samantala, as of May 31, patuloy paring nararamdaman ang paggalaw sa ilalim ng karagatan sa bayan.

Dahil sa sunod-sunod na offshore earthquakes, nagpaalala ang Bolinao Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) ukol sa earthquake at tsunami awareness measures at mga itinakdang evacuation route sa kani-kanilang barangay.

Kaugnay nito, may inilabas ring Memorandum No. 2026-08 ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kung saan pinayuhan ang lahat ng residente ng bayan na maging alerto at maghanda sakaling magkaroon ng mas malakas na lindol o tsunami. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments