Ilang showbiz celebrity couples, naghahanda na daw sa kani-kanilang pagpapakasal

41

Manila, Philippines – Ilang showbiz celebrity couples ang ready na daw mag- “I do” sa mga susunod na mga buwan.

Love is on the air na sa mga couples tulad nina Ai-Ai Delas Alas at ang boyfriend na si Gerald Sibayan kung saan natagpuan na daw ng Philippine Comedy Concert Queen ang kaniyang mister right.

Sa buwan naman ng August gaganpin ang Garden Chirstian wedding nina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan na gaganapin sa Tagaytay.

Kwento ni Arthur, masyado silang naigng busy sa kani-kanilang career kaya’t ngayon pa lang nila pinaghahandaan ang kanilang kasal.

Tila nasa cloud-9 naman ang actress na si Rich Assuncion matapos ang ginawang proposal ng kaniyang boyfriend na Filipino-Australian na si Benjamin Mudie na miyembro ng Philippine Volcanoes.

After 12 years at magkaroon ng isang babay, tuloy naman na ang kasal nina Hayden Kho at Dra. Vicky Belo na gaganapin sa paris habang humahabol din ang mag-boyfriend na sina pancho Magalona at Max Collins na engaged na din ngayon taon.

Facebook Comments