Saturday, April 25, 2026

Iligal na online sabong, nadiskubre sa Negros Occidental

COURTESY: Philippine National Police

Matagumpay na nabuwag ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang Intelligence-driven operation ang umano’y iligal na online sabong sa Barangay Concepcion, Talisay City, Negros Occidental.

Naaresto ang nasa 30 indibidwal sa loob ng isang private property, kung saan dalawa ang na-rescue habang may menor-de-edad din na nakita sa nasabing lugar at ngayon ay nasa tamang pangangalaga at proteksyon na.

Ayon sa mga awtoridad, ginagamit ang nasabing lokasyon para isagawa ang nasabing operasyon ng isang organisadong grupo.

Narekober sa lugar ang mga equipment na ginagamit sa pagla-live stream, mga communication devices at iba pang mga paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD1602 sa ilalim ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 habang inaasahan ding isasampa ang isa pang reklamo kaugnay ng umano’y trafficking in persons sa ilang mga indibdwal na kinabibilangan ng isang dismissed police officer at iba pang mga indibidwal na pinaniniwalaang sumusuporta sa nasabing iligal na operasyon.

Nagpapatuloy naman ang follow-up operations ng pulisya para matukoy ang mga sangkot at nasa likod ng nasabing illegal online sabong.

Facebook Comments