
Tiniyak ng local airlines ang pagtalima sa desisyon ng Civil Aeronautics Board (CAB) na pagtaas sa fuel surcharge sa Level 19 mula sa Level 8.
Ayon sa AirAsia Philippines, Cebu Pacific at Philippine Airlines, ramdam nila ang pagtaas ngayon ng kanilang gastusin sa operasyon matapos na dumoble ang halaga ng jet fuel.
Sa kabila nito, tiniyak ng local air carriers na hinahanapan nila ng paraan para maging mas maging magaan para sa mga pasahero ang pagbiyahe nang hindi nalalagay sa kompromiso ang kaligtasan ng travelers.
Sa ilalim ng Level 19, magbabayad na ang mga pasahero ng karagdagang ₱627 hanggang ₱1,834 para sa domestic flights, depende sa distansya.
Para naman sa international flights, ang fuel surcharge ay papalo mula ₱2,070.77 hanggang ₱15,397.15.










