Friday, April 24, 2026

Umano’y diskriminasyon at korapsyon sa pamimigay ng ayuda, pinapa-imbestigahan ni Rep. Leviste sa OF

Nananawagan si Batangas Rep. Leandro Leviste sa Office of the President (OP) na imbestigahan ang umano’y diskriminasyon, kurapsyon at hindi patas na pamimigay ng ayuda sa ilalim ng mga programang “Bawat Barangay Makikinabang” at “Bawat Bayan Makikinabang.”

Layunin ng imbestigasyon na matiyak na pantay-pantay ang pondo na ibibigay sa bawat lokal na pamahalaan para sa nabanggit na mga programa.

Batay sa programa, ang mga barangay at munisipalidad ay pagkakalooban ng inisyal na P200,000 ayuda para sa educational, social at economic projects, sa harap ng nararansang krisis langis.

Pero ayon kay Leviste, posibleng hindi alam ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na mga politikong pinipigil ang pamimigay ng ayuda gayung naman nila yun sariling pera.

Inihalimbawa ni Leviste ang pamimigay ni Pangulong Marcos ngayong araw ng ayuda sa Batangas, kung saan hindi nito alam na mayroong 84 barangay ang hindi inimbitahan.

Facebook Comments