Sino ang mag-aakala na ang simpleng produkto mula sa ating mga baybayin ay makakarating sa sikat na runways ng mundo?
Isang proud local brand mula sa bayan ng Bolinao ang gumagawa ngayon ng kasaysayan sa larangan ng sining at disenyo.
Ito ay ang Olly+Fely, na nakatakda nang ipakita ang kanilang mga world-class na Buri Fashion Bags sa international stage.
Magsisimula ang kanilang paglipad sa Fashion Philippines x Hong Kong InStyle ngayong April 26 hanggang 30, 2026.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang Buri ay hango sa dahon ng Buri Palm, ang itinuturing na pinakamalaking palmera sa bansa.
Dito sa Pangasinan, ang mga dahon nito ay maingat na nililinis at hinahabi ng ating mga lokal na artisan para maging matitibay na bags.
At hindi lang diyan nagtatapos ang rampa, mga Idol!
Abot hanggang Amerika ang rampa nila dahil itatampok din ang kanilang mga disenyo sa New York Fashion Week ngayong September 9 hanggang 11.
Tunay ngang isang malaking milestone ito para sa ating lalawigan, lalo na para sa mga kababayan natin sa Bolinao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










