
Nag-aalangan ang grupong Piston na sumali sa service contracting program ng pamahalaan.
Nangangamba kasi silang hindi mabayaran o kaya naman ay abutin pa ng isang linggo bago nila tuluyang makuha ang ibabayad sa kanila ng Department of Transportation (DOTr).
Sinabi ni Wilfredo Cano, vice president ng Mabini-Divisoria-Baclaran Jeepney Operators and Drivers Association o MDBAJODA, nangyari na raw kasi dati ang programa at marami raw ang hindi nabigyan o nabayaran.
Ayaw rin aniya nilang parang sila pa ang naghahabol, o kakausap sa pamahalaan.
Ngayong araw, ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang ikalawang round ng mega oil price rollback, pero ayon sa mga tsuper ng jeep hindi pa rin ito sapat at dapat ay maibaba ang presyo ng diesel sa ₱50 hanggang ₱55.










