SDO1 PANGASINAN ATHLETIC ASSOCIATION MEET, MULING ISASAGAWA

Muling isasagawa ang Schools Division Office 1 (SDO 1) Pangasinan Athletic Association Meet sa Narciso Ramos Sports and Civic Center Sa bayan ng Lingayen, sa itinakdang mga araw ng Pebrero 1-4.
Sa muling pagbubukas ng naturang tagisan ng diskarte at lakas, na may temang ‘Sports for Peace’ sa unang araw ng pebrero, dadaluhan itong mga atletang mag-aaral mula sa mga paaralan sa dalawampu’t-dalawang bayan nanauna nang nagkaroon ng elimination rounds sa kanya-kanya nilang mga congressional districts.
Samantala, dalawampu’t-dalawang sport events naman ang paglalabanan ng mga kalahok sa nasabing kaganapan, tulad na lamang ng martialarts, ball games, dance, sports, swimming, board games, billiards at marami pang iba.

Ayon kay Division Sports Coordinator Dr. Aldrin Ocsan,layunin ng division meet na ito na sumala ng mga potensyal na manlalaro at mga coaches sa bawat sport events na kanilang sasabak sa R1AA na gaganapin naman sa Laoag City, Ilocos Norte sa unang linggo ng Abril. |ifmnews
Facebook Comments