Thursday, May 21, 2026

Impeachment proceedings, hindi makaka-apekto sa ginagawang paghahanda ng COMELEC sa 2028 elections

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi makasasagabal ang nagpapatuloy na impeachment proceeding laban kay Vice President Sara Duterte sa ginagawa nilang mga paghahanda para sa 2028 national and local elections.

Ayon kay COMELEC chairman George Erwin Garcia, bagama’t aminado siyang ‘political’ ang isang impeachment process, walang anumang balak na makisawsaw ang komisyon.

Sa katunayan, pagpasok pa lamang ng taon ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ng COMELEC para sa nasabing eleksyon.

Kabilang na dito ang nakatakdang pagsasagawa ng voters’ registration sa February 2027 kung saan magtatagal ito hanggang September 2027.

Matatandaan na muling na-impeach si VP Sara sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Mayo 11 dahil sa mga alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds, unexplained wealth, at banta sa buhay nina pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments