
Tiniyak ng Malacañang na tuloy-tuloy ang operasyon at mga programa ng pamahalaan sa kabila ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi nila hahayaang maantala ang serbisyo publiko dahil sa anumang isyu o pagtatangkang hadlangan ang trabaho ng administrasyon.
Iginiit din ng Palasyo na may tungkulin ang Senado bilang impeachment court at mambabatas, kaya umaasa itong maipagpapatuloy ang proseso nang walang pagbo-boycott sa mga sesyon.
Sa usapin naman ng umano’y pagkakahati ng publiko, sinabi ni Castro na ang transparency at accountability ay para sa taumbayan.
Ang fake news at pagtatago ng mga ebidensiya lamang aniya ang nagpapalalim sa hidwaan, habang ang katotohanan naman ang susi sa tunay na pagkakaisa.










