
Iginiit ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ompong Ordanes na huwag ipa-deport o hayaang makalabas ng Pilipinas si Coach Tab Baldwin.
Ayon kay Ordanes, dapat manatili sa bansa si Baldwin upang mapanagutan nya ang pagkamatay nina divine adili at rene baterbonia sa kanyang isinagawang training sa Dipaculao, Aurora.
Bukod dito ay pinapasuspinde rin ni Ordanes ang lahat ng accreditations at lisensya ng lahat ng coach ng Ateneo de manila men’s basketball.
Buo ang paniniwala ni Ordanes na hindi aksidente ang sinapit nina Adili at Baterbonia.
Kaya naman para kay Ordanes, dapat may aksyon din na gawin ang Philippine Jesuits laban sa liderato o pangulo ng Ateneo de Manila University.
Facebook Comments










