
Binisita ng mga imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pamilya ng nasawing Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia sa Agusan del Sur, kahapon.
Ayon sa CIDG, ang nasabing pagbisita ay parte ng isinasagawang case build-up sa nangyaring drowning incident sa Dipaculao, Aurora.
Kung saan kumuha ng sworn testimony ang CIDG sa ina ni Rene Baterbonia na si Ginang Rovelyn Baterbonia, sa loob ng San Agustin Gymnasium, Talacogon, Agusan del Sur kasama ng kanyang counsel na si Atty. Kenneth D. Minglana.
Ang nasabing mga pahayag ng ina ni Rene ay sinama bilang parte ng documentary evidence para sa rekomendasyon ng criminal complaint sa Department of Justice (DOJ).
Facebook Comments










