Monday, June 22, 2026

Ilang lider ng Simbahang Katolika, nagpahayag ng suporta sa isang obispong kinasuhan dahil sa pagtutol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya

Nagpahayag ng suporta ang ilang lider ng Simbahang Katolika sa isang obispo na kinasuhan dahil sa pagsusulong ng adbokasiya na pangangalaga sa kalikasan.

Ito ay matapos kasuhan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao at iba pang environmental advocates dahil sa pagtutol sa isinasagawang exploration activities ng North Luzon Minerals Resources Corporation sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon kay dating CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, panibagong pagsubok ito para sa obispo matapos malagpasan ang malubhang karamdaman ilang taon na ang nakalipas.

Nagpaabot din ng panalangin si Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay kay Bishop Mangalinao at sa mga kasamahan nito na pinoprotektahan lamang ang kalikasan.

Ayon sa arsobispo, isang moral responsibility ang kanilang ginagawa at hindi lamang pagkabahala para sa kalikasan.

Nanawagan din ang mga opisyal ng simbahan na ipagdasal ang Diocese of Bayombong at ang kanilang obispo.

Facebook Comments