Wednesday, April 15, 2026

TICKET SELLING NG MS. UNIVERSE PHILIPPINES 2026 NATIONAL COSTUME, SINIMULAN NA PARA SA INAABANGANG EVENT SA URDANETA CITY

Sinimulan na kahapon ang on site ticket selling para sa isang inaabangang engrandeng kaganapan sa Urdaneta City, Ang MUPH 2026 National Costume.

Nagsisimula ang bentahan ng tiket kahapon, alas-1:00 ng hapon at magpapatuloy hanggang ngayong araw sa harap mismo ng nasabing venue upang mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakabili online.

Hinihikayat ang publiko na maging bahagi ng isang makasaysayan at monumental na selebrasyon sa puso ng Urdaneta City.

Ang presyo ng tiket ay nagsisimula sa ₱600, habang ang VVIP ticket naman ay nagkakahalaga ng ₱2,200.

Inaabisuhan din ang mga dadalo na agahan ang pagpunta upang masiguro ang slot at maiwasan ang abala sa pagbili ng tiket. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments