
Patuloy na pinapalawak ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad matapos ilunsad ang libreng pabunot ng ngipin at dental check-up sa Sitio Isla Pinmaludpod Health Center noong April 13, 2026.
Isinasagawa ang naturang programa tuwing ikalawang Lunes ng bawat buwan upang mabigyan ng sapat na serbisyong dental ang mga residente, lalo na ang mga nangangailangan ng agarang atensyon sa kalusugan ng ngipin.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga dental professionals mula sa Urdaneta City Health Office, sa pangunguna ni Dra. Ivee B. Alapot, na nagpaabot ng libreng konsultasyon at bunot ng ngipin sa mga pasyente.
Lubos namang nagpapasalamat ang komunidad sa patuloy na serbisyong hatid ng mga health workers na naglalayong mapanatili ang maayos na kalusugan ng bawat mamamayan.
Taglay ng programang ito ang hangaring mapalapit ang serbisyong medikal sa mga residente at higit pang mapalakas ang kampanya para sa dental health sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










