Wednesday, April 15, 2026

PRICE MONITORING ISINAGAWA SA MAGSAYSAY FISH MARKET, PRESYO NG BILIHIN BINANTAYAN

Nagsagawa ng maagang price monitoring ang mga opisyal ng lungsod sa Magsaysay Fish Market upang masubaybayan ang galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng isda, gulay, at iba pang produkto.

Nag-ikot ang mga opisyal sa pamilihan upang tiyakin ang patas na presyo para sa mga mamimili.

Layunin ng price monitoring na maprotektahan ang kapakanan ng mga konsyumer laban sa overpricing at masiguro na sumusunod ang mga tindero sa itinakdang presyo sa merkado.

Bukod sa inspeksyon, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga opisyal na makipag kumustahan at makipagkwentuhan sa mga lokal na vendor. Ibinahagi ng ilan na maganda ang takbo ng kanilang bentahan at kapansin-pansin ang pagiging sariwa ng kanilang mga paninda, na ikinatuwa ng mga mamimili.

Patuloy naman ang paalala ng lokal na pamahalaan sa publiko na maging mapanuri sa presyo ng mga bilihin at agad ireport ang anumang hindi makatarungang pagtaas ng presyo sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments